Header Ads

Review ng WBO; Pacquiao, 5-rnds lang naipanalo; Horn, nakuha ang 7-rnds



Inilabas na ngayon ng World Boxing Organization (WBO) na tama ang naging desisyon ng tatlong judges na panalo si Jeff Horn kay Manny Pacquiao sa naganap na kontrobersiyal na laban sa Brisbane, Australia noong July 2.


Ginawa ng WBO ang pahayag, makaraang ilabas ngayon ang resulta ng kanilang review sa judges score, kasunod ng protesta ng fighting senator, Games and Amusements Board (GAB) at pag-alma ng mga fans at ilang boxing analysts

nila, nagwagi si Pacman sa 3rd round, 8th round at 9th round ng 100 percent. Sa 5th round ay 80 percent naman na napunta ito kay Manny at ang 11th round ay 60 percent ang nakita ng mga judges. Kay Horn naman daw ay napagwagian ang 1st round, 6th at 12th rounds na pawang nasa 100 percent. Ang round 2nd, 4th at 7th ay nasungkit naman ng Australian star ng 80 percent. Ang 10th round ay 60 percent ang nakita na panalo raw ng undefeated na 29-anyos na boksingero. 

No comments

Powered by Blogger.