Seguristang Robredo: Recount muna bago bayad
Hiniling ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na unahin munang bilangin ang boto sa tatlong lugar na laman ng protesta ni dating sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, bago nila kumpletuhin ang kanilang kulang na P7 Million na deposito.
Sa kanilang mosyon na ihinain ng mga abogado ni Robredo sa PET, iginiit ng mga ito na tapusin munang bilangin ang mga boto sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Occidental bago sila magbayad ng deposito sa kanilang counter protest.
“Thus, in the interim and in the interest of justice, Robredo asks that she be allowed to pay the second installment of her cash deposit in the amount of P 7,439,000 after a determination has been made that protestant Marcos has made a substantial recovery from his three designated pilot provinces,” ayon sa mosyon na ihinain nina Atty. Romeo Macalintal at Bernadette Sardillo. Pinagbigyan ng PET ang kahilingan ng mga abogado ni Robredo na huwag munang bayaran ang P7 million na kakulangan sa P15 million na ipinadedeposito ng PET.
Samantala, nabayaran na ni Marcos bago sumapit ang deadline ang buong P66 million na ipinadeposito ng PET para bilangin ang mga iprinotesta nitong boto sa tatlong lalawigan na hinihinalang may nangyaring dayaan. Nilinaw naman ng kampo ni Robredo na hindi nilang sadyang idelay ang election protest, kundi sadyang nahihirpan lamang silang bunuin ang milyun-milyong pera na kailangan ng PET.
Si Marcos ay tinalo ni Robredo ng 263.473 votes noong nakaraang eleksyon, subalit hindi kumbinsidoang dating senador sa naging resulta ng bilangan.
Post a Comment