Header Ads

Senator Manny Pacquiao, distributed aid to the soldiers in Marawi City.

Biro ni Sen. Pacquiao: "Handa akong sumali sa bakbakan sa Marawi."



Pabirong sinabi ni boxing champ Senador Manny Pacquiao na handa raw siyang sumabak sa giyera kasama ang mga sundalong tumutugis sa mga terorista sa Marawi City.


Bumisita ang mambabatas nitong Sabado ng umaga sa Camp Ranao kung saan nagbiro ito na sasama raw siya sa front lines kung sakali mang imbitahan siyang tumulong sa militar sa laban nito kontra terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa report ni Benjie Liwanag sa radio dzBB, hindi raw magdadalawang isip ang senador na sumama at damayan ang mga sundalo.

Si Pacquiao ay isang military reservist na may ranggong Lieutenant Colonel sa Reserve Force ng Philippine Army. Unang sumali si Pacquiao sa reserve force ng Army noong Abril 27, 2006 bilang sarhento. Kinalaunan ay na-promote siya bilang technical sergeant, master sergeant, at senior master sergeant.

Habang nagtatalumpati si Pacquiao nitong Sabado ay patuloy pa rin ang bakbakan sa lungsod ng Marawi, dagdag ni Liwanag. 

No comments

Powered by Blogger.