Header Ads

Mensahe ni Robin Padilla Viral sa socila media “Nagkaron na tayo ng Pangulo na hindi Tuta! Na hindi utus-utusan!”



Aktor na si Robin Padilla, nagbigay ng matinding mensahe para sa mga Pilipino patungkol kay Pres. Duterte. 

Ayon kay Robin, nagkaroon na ng presidente ang Pilipinas na kayang sipain ang kalaban na ibig sabihin hindi tuta o utus-utosan ng dayuhan gaya raw ng nakaraang administrasyon. 

Nagbigay ng isang makabuluhang mensahe ang batikang aktor na si Robin Padilla para sa kanyang mga kababayan kung saan taas noo niyang ipinagmalaki si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas. 

Sa video, sinabi ni Robin na bagamat hindi man daw perpekto si Pangulong Duterte pero aniya ngayon lang nagkaroon ang bansa ng Pangulo na tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino, hindi nagpapasindak at nagpapa-alipin sa mga dayuhan lalo na sa bansang Amerika.

“Siya lang ho ang Pangulo[Duterte] na lahat na tayong mga Pilipino ngayon pwede tayong nakataas ang dibdib, nakataas ang noo dahil meron tayong Presidenteng sisipain ang Presidente ng Amerika..hindi siya tuta. 

Nagkaroon tayo ng Pangulo na hindi utus-utusan ng dayuhan,” wika ni Robin. 

Dagdag pa nito, kailangan huwag na raw hayaan pa ang oposisyon na magtagumpay sila sa kanilang plano na patalsikin ang Pangulo sa kanyang posisyon at makabalik ang mga ito sa kapangyarihan.

“Pag pinakawalan pa natin si Mayor, hindi na ho muli tayo makakatindig na ganito na nakataas ang ating mga noo,” ani ni Robin. Ito ay dahil pagod na ang taong-bayan sa mga baluktot at tiwaling opisyal na namamalakad sa bansa noon kaya pinili nilang italaga si dating Davao City Mayor Duterte bilang Pangulo. 

Samantala, nagpasaring naman ang aktor sa dating administrasyon dahil sa mga ginawang anomalya nito lalo na sa reporma sa lupa na dapat sana ay naipamahagi na sa mga magsasaka noon. 

Nagpahayag naman ng pangsang-ayon ang ilang mga netizens sa naging pahayag ng aktor at ito ang ilan sa kanilang mga sinabi.


Divina Ravela Robin, sana maunawaan ng lahat na pag si Presidente Duterte ay nawala pa at hinayaan ng ibang netizens, no body can replace him. Like what happened when late Pres. Marcos was replaced by Cory Aquino - another Aquino till the end. Seems that Pilipino's ...See More
LikeShow more reactions Reply120RemoveRemove
18 RepliesTha Real ano man galing ng pangulo naten pero d naaalis ang mga anay sa gobyerno hndi mag tatagumpay ang pinas sa pag unlad o ang pangulo sa pagpapa unlad sa pilipinas.. unahing pabagsakin ang mga anay sa gobyerno lalo na sa senado ikulong o patayin kung kinakailangan para magka meron ng makabagong pilipinas magnda at maayos na bansang 🇵🇭
LikeShow more reactions Reply61RemoveRemove
10 RepliesElley Bitanga Legara i am in my senior yr i was in college when martial law was declared by marcos, but now that again was declared by tatay, i feel more comfortable bcoz this is the true leader that we need in our country today...
LikeShow more reactions Reply44
 June 9 at 7:05am June 9 at 1:01am June 9 at 3:36am

No comments

Powered by Blogger.