Kaso vs ex-Pres. Aquino, ikinatuwa ni Magdalo Partylist Gary Alejano
Magandang hakbang tungo sa pagkamit ng hustisya ng mga kamag-anak at pamilya ng mga nasawing Special Action Force (SAF) dahil sa Mamasapano encounter ang kasong maisasampa kontra kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.
Sa panayam kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, hindi nito itinago ang kaniyang labis na kasiyahan dahil sa resolusyon ng Office of the Ombudsman na makasuhan ng graft at usurpation of authority si Aquino, kasama sina dating Philippine National Polcie Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napenas.
Ngunit nais ni Alejano na sana ay hindi raw mapolitika ang mga kasong isasampa sa dating pangulo upang maparusahan ang mga tunay na may sala sa naturang insidente.
Post a Comment