Supt. Marvin Marcos, ide-destino sa Central Mindanao para tugusin ang mga kaalyado ng ISIS
Naghahanda na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12 para sa nakatakdang turnover ceremony sa susunod na linggo kaugnay ng bagong regional director na si P/Supt. Marvin Marcos kasama ang grupo nito mula sa Eastern Visayas.
sa misyon ni Supt. Marcos ay ang tugisin ang mga kaalyado ng ISIS
sa misyon ni Supt. Marcos ay ang tugisin ang mga kaalyado ng ISIS
Una nang kinumpirma ng Police Regional Office 12 (PRO-12) na papalitan ni P/Supt. Marcos ang CIDG OIC director na si Supt. na si Elmer Guevarra. Gayunman, sinabi rin ni PRO-12 spokesman Supt. Romeo Galgo Jr., hindi pa natanggap ang nasabing direktiba kaugnay sa paglagay kay Marcos upang pangasiwaan ang CIDG-12.
Kahit ang mga city official ng GenSan ay sinabing kanilang oobserbahan si Marcos na naging kontrobersiyal matapos masangkot sa pagpatay sa nakakulong na narco-politician at dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Post a Comment