Header Ads

Pangatlong person of interest sa massacre sa Bulacan na si Alyas Tony, pinatay din

Ika-3 sa ‘persons of interest’ sa massacre sa Bulacan pinatay din, kinumpirma ngayon ng San Miguel, Bulacan police ang pagkakatagpo sa bangkay ni Anthony Garcia alyas Tony, siya ang pangatlong taong may pagkakaugnay umano sa masaker sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon kay P/Supt. Isagani Enriquez, hepe ng San Miguel, Bulacan PNP, balot umano ng masking tape ang mukha at kamay ni alyas Tony nang ito ay makita.



Aniya, sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na nagtamo ng maraming gunshot wounds sa katawan ang biktima.
Sinasabing si Garcia ay nauna nang dinukot sa bahay ng kanyang lolo noon pang Biyernes at hindi na ito nakita pa. Ilang kamag-anak naman ni Garcia ang nagtungo nitong umaga ng Sabado sa Pacalag, San Miguel, Bulacan matapos abisuhan sa bangkay na nakita at doon na kinilala ang missing na kaanak. 

Bago ito, natagpuang patay din sina Ronaldo Pacinos alyas Inggo at Rosevelt Serema alias “Ponga” na kapwa itinuturing din na mga persons of interest sa pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya kung saan dalawa pa rito ay posibleng ginahasa. Sa ngayon meron pang isang person of interest sa krimen na nagngangalang Alvin Mabesa ang hindi pa rin nakikita matapos na dinukot daw at tinangay ng mga lalaking suspeks.


Ang isa pang suspek na si Carmelino “Miling” Ibañez na siyang unang nagturo sa mga person of interest na kasama raw sa pagpatay sa biyenan, misis at tatlong anak ni Dexter Carlos, Sr., ay nasa kustudiya ngayon ng pulisya matapos na kasuhan. Una na ring pinabulaanan ng provincial director ng PNP Bulacan Provincial Office na si S/Supt. Romeo Caramat na may kinalaman ang kapulisan sa pagkamatay ng dalawa sa limang mga suspek. 

No comments

Powered by Blogger.