Header Ads

Pababa ng pababa ang bilang na ng mga Maute; Palipat-lipat ng tunnel dala ang mga bihag, Fr. Suganob pinagawa ng bomba

Dahil sa naiwang cellphone ng Maute group kaya nakatawag sa kanyang mga kaanak na nasa Marawi City ang isang bihag.


Sa interview kay alyas Tata mula sa Iligan City, naikwento nito ang kalagayan ng umaabot sa 28 mga bihag kasama na ang Kristiyanong pari na si Rev. Fr. Teresito “Chito” Suganob. Ayon kay “Tata,” palipat-lipat umano ang kanyang kaanak at kasamang mga bihag sa dalawang tunnel sa ilalim ng mosque sa sentrong bahagi ng Marawi City.


Ang mga bihag ay ginagawa umanong utusan at tagaluto ng mga teroristang Maute. Maging si Father Suganob ay ginagawang tagabitbit din daw ng mga bomba at tinuturuan pang gumawa ng pampasabog ng mga terorista. “Kasama raw nila yong pari. Oo buhay ‘yong pari, sinabi niya na tinuturuan ng mga Maute si Father Suganob sa paggawa ng bomba, sa pag-instalar ng mga bomba. 

Dalawang tunnel na palipat lipat lang sila doon,” kuwento pa ni “Tata”. Sinabi pa raw ng nasabing bihag na isang laborer sa Marawi bago nabihag, ‘wag daw mag-alala ang kanyang nanay sa kanyang kalagayan. 

Matapos daw makatawag sa kanyang mga kaanak, agad ding naibalik ng nasabing bihag ang cellphone na palihim niyang ginamit mula sa upuan nang malingat ang isang Maute member. Ang cellphone naman daw ng mga binihag ay nauna nang kinuha ng mga Maute group.

No comments

Powered by Blogger.