‘Nag-enjoy ang Presidente sa pagsilip sa akin’ – De Lima
Itinanggi ni Sen. Leila de Lima na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kulungan sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.
“Duterte claims he took a peek at my detention cell in Crame. I never saw him in Crame anywhere near my detention quarters,” paglilinaw ni de Lima sa isang statement.
Posible umanong pinanood lamang siya ng Pangulo sa pamamagitan ng CCTV na nakatutok sa kanyang detention center.
At mukhang nag-enjoy naman daw si Duterte sa pagsilip nito sa kanyang kulungan dahil pati na ang alaga nitong aso ay binanggit sa isang talumpati nitong nagdaang araw.
“Apparently, the President has enjoyed secretly watching me through a CCTV monitor so much, just like a neighborhood peeping Tom, that he could not avoid sharing this experience with the world,” giit ng nakakulong na senadora.
Imbes na bantayan ng Pangulo ang kanyang mga galaw sa kulungan, pinayuhan ng senadora si Duterte na bantayan ang anak nitong si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na nakaladkad sa imbestigasyon ng Kamara sa P6.4 bilyong shabu shipment mula sa China.
Post a Comment