Header Ads

Sec. Judy Taguiwalo, nireject ng Court of Appeals bilang DSWD Secretary



Tuluyan nang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Ayon sa CA, 13 miyembro ang bumoto para tuluyang ma-reject ang appointment ng kalihim.

Base sa panuntunan ng komisyon, maaaring mabasura ang ad interim appointment ng isang opisyal kung mayorya sa mga kasapi ng lupon ang boboto ng kontra sa kumpirmasyon nito.

Hindi naman naglabas ng dahilan ang CA members kung bakit tuluyang ibinasura ang kumpirmasyon ni Taguiwalo.

Ilang sa mga bumoto sana pabor kay Taguiwalo ay sina Sens. Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Ralph Recto at Sonny Angara.

Ang ibang mambabatas ay tumangging maghayag ng kanilang naging boto.

Ang DSWD secretary ang ikatlong cabinet member ng Duterte administration na na-reject ng CA.

Unang ibinasura ang ad interim appointment ni dating DFA Sec. Perfecto Yasay at nasundan ng pagkakabasura ng kumpirmasyon ni dating DENR Sec. Gina Lopez. 

SOURCE:bombo radyo

No comments

Powered by Blogger.