COMELEC CHAIRMAN BAUTISTA, PA-IMBESTIGAHAN NA SA SENADO
Tuloy na ang imbestigasyon ng Senado sa mga usaping kinakaharap ni Comelec Chairman Andres Bautista.
Pero agad nilinaw ni Senate committee on banks, financial institutions and currencies chairman Sen. Francis “Chiz” Escudero, na hindi pag-uusapan ang personal na usapin ukol sa away ng mag-asawang Andres at Patricia Paz Bautista.
Pagtutuunan umano ng pansin ang kanilang lupon ang 35 bank accounts ng Comelec chief.
Gagawin ang pagsisiyasat sa susunod na linggo.
Iimbitahan din sa hearing ang mga kinatawan ng Bangko sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Luzon Development Bank (LDB).

Hinimok naman ni Escudero ang kampo ni Bautista na kusa na lang na ilahad ang bank records kung wala talaga itong itinatagong kayamanan.
SOURCE:http://www.bomboradyo.com/imbestigasyon-kay-comelec-chairman-bautista-itinakda-na-ng-senado/
Post a Comment