Header Ads

WATCH | BOC Commissioner Nicanor Faeldon, napaiyak sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee Hearing


Nagbigay ng pahayag si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon noong Martes kung bakit siya naging emosyonal sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee Hearing sa P6.4billion shipment ng mga illegal na droga mula China.


“You know kanina nakita niyo tumula luha ko. Bakit? Kasi the good guys in the Bureau are being persecuted,” sinabi ni Faeldon sa isang panayam ng GMA News.

Binatikos ng ilang mambabatas si Faeldon at ang BOC dahil sa umano’y shipment ng mga illegal na droga sa bansa, at pilit siyang pinareresign sa kanyang pwesto bilang BOC Commissioner.

Sa simula ng hearing, inulan na kaagad ng mga tanong si Faeldon ni Senator Antonio Trillanes at pilit pa siyang pinapaamin na may korupsyon na nagaganap sa BOC.

Hindi sumagot si Faeldon sa mga tanong ni Trillanes, sa kadahilanang wala ng katuturan ang kanyang mga sagot dahil siya ay hinusgahan na ng Senador na sangkot sa nasabing korupsyon. Sa mga hindi nakakaalam, si Faeldon at Trillanes ay naging magkasama sa 2003 Oakwood mutiny sa Makati.

Binalaan ni Trillanes si Faeldon sa kanyang maling asal dahil hindi ito sumagot sa kanyang mga katanungan, at dapat lang daw magbigay respeto sa mga tinatanong sa kanya sa pamamagitan ng pagsagot nito.

Napaluha na sumagot si Faeldon kay Committee Chairman Senator Dick Gordon sa mga tanong ni Trillanes sa kanya.

Nagkaroon ng heart attack noong nakaraang linggo si Faeldon kaya ngayon pa siya dumalo sa imbestigasyon ng Senado sa nasabing drug shipment.

Anong masasabi niyo dito? Tama ba ang ginawa ni Trillanes na pagpipilit sagutan ang kanyang mga tanong? Sa tingin niyo, inosente ba si Commissioner Faeldon?

No comments

Powered by Blogger.