Bistado! 72 ‘dog meat’ nasabat sa naaksidenteng truck sa Cavite
Dose-dosenang kinatay na aso ang tumambad sa mga pulis matapos rumesponde sa isang naaksidenteng pickup truck sa Imus, City Cavite ngayong Huwebes ng umaga.
Napansin ng mga miyembro ng Imus Philippine National Police ang mga nakatago sa likod ng isang itim na pickup truck na nasiraan sa may kahabaan ng Daang Hari.
Laking gulat ng mga otoridad na 72 patay na aso pala ang dala-dala ng naaksidenteng sasakyan.
Agad naman na kinundena ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi ang pangyayari.
“The City Government of Imus condemns the illegal dog meat trade!” pahayag ni Maliksi sa isang Facebook post.
“We will ensure that this case will be punishable by law and measures will be carried out to properly address this matter,” dagdag ng alkalde.
Sa ilalim ng RA 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998 Section 6, mahigpit na ipinagbabawal ang pananakit, pagpatay, at pagkain ng aso.
Samantala, magmumulta ng hindi bababa sa P5,000 o isa hanggang apat na taon na kulong ang haharapin ng sino mang mapapatunayan na nagbebenta ng laman ng aso, ayon sa RA 9482 Anti-Rabies Act of 2007 Section 11.
SOURCE:https://twitter.com/PilStarNgayon/status/898056156009988096/photo/1?ref_src=twsrc%5Etfw&ref_url=http%3A%2F%2Fwww.philstar.com%2Fprobinsiya%2F2017%2F08%2F17%2F1730074%2F72-dog-meat-nasabat-sa-naaksidenteng-truck-sa-cavite

Post a Comment