Header Ads

Duterte fire backs to Pnoy: “Subukan mong pumasok sa shabu, pupugutan kita ng ulo”


Nagsalita na si Pres. Duterte para kay Former Pres. Noynoy pagkatapos ng pahayag ng dating presidente na walang nangyari sa war on drugs ng Administrasyong Duterte.


Sa kanyang talumpati sa “Anniversary celebration of Bureau of Internal Revenue” na ginanap sa Diliman, Quezon City, bumuwelta agad ng salita si Duterte na pupugutan niya ng ulo si Aquino kung magtatangka itong pumasok sa illegal drug business.



“Wala bang nangyari? Sige subukan mong pumasok sa droga, kung di kita pugutan ng ulo..” sabi ni President Rodrigo Duterte .



Sinabi din ng Presidente ang 5 narco generals na alagad daw ng mga LP, ni Noynoy at Mar Roxas.



“G*** ka, mga generals mo… puro nakadroga, konektado”



Ang mga pangalan ay Deputy Director Gen. Marcelo Garbo, retired Chief Supt. and now Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot; Police Director Joel Pagdilao; and Chief Superintendents Edgardo Tinio and Bernardo Diaz.



Sinabi pa niya na si Mayor Vicente Loot ang pinakamataas sa mga narco generals.



Pero itinanggi ito ng limang heneral at pawang kasinungalingan daw ang mga paratang ni Pres. Duterte



Sinabihan din ni Duterte si Noynoy na hindi pa nakagawa ng impromptu na talumpati sa kaniyang panunungkulan noon.



Sa isang panayam, sinabi ni former Pres. Noynoy Aquino na hindi daw epektibo ang war on drugs ng ating Pangulo ngayon, at kahit na hindi sila nagpatupad ng war on drugs noon ay mas epektibo daw ang kanyang pamamalakad sa pagsugpo sa mga illegal na droga sa bansa.



“Parang wala yatang nangyari.” sabi ni Aquino.



Kinuwestyon din ni Aquino ang nangyaring raid sa Ozamiz City noong Sabado kung saan labing anim na katao ang namatay kabilang na si Mayor Aldong Parojinog.



Ano ang magiging komento niyo sa bangayan ni Pangulong Duterte at Noynoy?



Share your thoughts at i-share eto para sa iba.

No comments

Powered by Blogger.