Sinibak na! 3 pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyo sa Caloocan, tanggal na sa pwesto!
Sinibak sa puwesto ang mga pulis na sangkot sa operasyon na ikinamatay ng isang binatilyo sa Caloocan nitong Huwebes.
Ayon kay National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, sibak na ang 3 pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyo sa Coloocan at sibak din ang Police Community Precinct.
"Immediately, pina-relieve natin 'yung tatlong involve na pulis, plus the PCP (Police Community Precinct) commander at temporarily in-assign natin sa Regional Police Holding and Accounting Unit natin to pave the way for an impartial investigation," sabi ni Oscar.
Napatay nitong Miyerkoles ang 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos matapos umanong gumanti ang isa sa mga pinaputukan umano nitong operatibang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa isang barangay sa naturang siyudad.
Hindi naman kinagat ng pamilya ng binatilyo ang report ng pulisya hinggil sa insidente. May kuha umano ang CCTV ng barangay na nagpapakitang bitbit ang binatilyo ng dalawang nakasibilyang pulis papunta sa lugar kung saan siya natagpuang patay.
May dalawang saksi rin ang humarap sa ABS-CBN News na nagsasabing piniringan, pinagsusuntok at sinikmuraan pa ang binatilyo nang arestuhin. Nasundan din ng mga saksi ang mga pulis at kita umano nilang inabot sa binatilyo ang isang baril.
Sinabihan umano ito na iputok ang baril saka tumakbo. Nang tumakbo ang binatilyo, doon na siya pinaputukan ng pulis.

Post a Comment