Risa kay Aguirre: Layuan mo ang Kian case; Aguirre kay Risa: Itigil mo ang drama
Pinadidistansiya ni Sen. Risa Hontiveros si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at sinabing hindi ito dapat lumahok sa imbestigasyon o anumang proseso kaugnay ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.
Pinai-inhibit ni Hontiveros si Aguirre, na ang ibig sabihin ay huwag itong lumahok o makialam sa kaso ni delos Santos.
Ayon kay Hontiveros nitong Biyernes, ang pagpapasailalim sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ) sa mga testigo sa pagpatay kay delos Santos ay tila 'paglalagay ng tupa sa tirahan ng leon'.
Inilagay ni Hontiveros sa kaniyang kostodiya ang mga testigo matapos diumano silang makatanggap ng mga banta sa kanilang buhay.
"In the spirit and interest of impartiality and the pursuit of justice, I demand that the Justice Secretary (Aguirre) inhibit himself from all investigations being conducted into the killing of Kian," ayon kay Hontiveros.
Samantala, kinuwestiyon naman ni Aguirre ang kredibilidad ng mga testigo, at sinabing maaari umanong na-'brainwash' ang mga ito ng senadora.
Sinabi rin ni Aguirre na bukas siyang i-inhibit ang sarili basta't hindi rin aniya dapat dumalo ang senadora sa mga hearing ng Senado kung saan ang kaniyang pagiging patas ay kuwestiyonable.
"I have no problem with that. But she should also inhibit on Senate investigations and other matters where her fairness and impartiality are under question."
"Alin ang case na inareglo ko? Dapat itigil niya ang drama niya para 'di siya tawagin[g] drama queen," dagdag ni Aguirre.
Post a Comment