Look : Anak ng isang magsasaka, Natanggap sa HARVARD UNIVERSITY
Isang malaking karangalan ang magkaroon ng oportunidad na mag-aral sa mga prestihiyosong mga paaralan sa ating bansa, ano na kaya kung bibigyan ka ng pagkataon na mag-aral sa isang international school, at hindi lang yan isa pa sa nangunguna sa buong mundo!
Ang Harvard University ay isang pribado na "Ivy League research university" sa Cambridge, Massachusetts, eto ay naitayo noong 1636 na nagtatak ng malaking ambag sa history, impluwensiya at katanyagan na naging isa sa mga pinaka prestihiyosong unibersidad sa buong mundo. Kung iisipin mong mabuti, ang mga estudyante dito ay hindi pangkaraniwan dahil hindi madaling makapasok dito, pero masusurpresa ka kung malalaman mo na ang isang anak ng simpleng magasasaka ay nabigyan ng pagkakataon na mag-aral dito at magsisimula siya sa darating na 2018.
Pangpito sa siyam na anak, si Romnick Blanco ang nagsilbing pag-asa para sa kanyang pamilya nung nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral sa kabila ng kahirapan. Siya ay naglalakbay mula sa kanilang bahay papuntang skwelahan ng 2 oras ng nakapaa sa mga burol ng Sierra Madre para lang makapasok sa pag-aaral.
Ang lahat ng kanyang pagtitiyaga ay nagbunga ng siya ay napili na mabilang sa isa sa mga batang mabibiyayaan ng scholarship sa Harvard University. Ito ay lugar kung saan ang mga malalaking pangalan na kilala sa buong mundo ay nag-aral, kabilang na sila Bill Gates (Microsoft Founder), Mark Zuckerberg ( Facebook CEO), at former US President Barrack Obama.
Nakatanggap di umano ng sulat si Romnick mula sa nasabing prestihiyosong paaralan at magkakaroon ng FULL SCHOLARSHIP sa Harvard at covered pa nito ang tuition, accomodation, plane tickets, at clothing as (International School Manila) claimed.
“This amazing blessing that I have received will be looked upon by many as an achievement, but if I were to be very honest, I truthfully believe that what happened to me was nothing short of a miracle,” sabi ni Romnick.
Sa achievement na ito ni Romnick, ang kanyang pamilya, kamag-anak, kaibigan, at mga kababayan sa Bulacan ay nakakita ng panibagong simula na magmamarka sa kanilang buhay.
Si Romnick ay pupunta sa Harvard sa susunod na taon, 2018.
Post a Comment