2014 Bar Topnotcher: 'Wag niyo na ituloy ang mag-abogado kung drug war support kayo'
Nagbigay ng mensahe ang isang 2014 Bar Exam Topnotcher na si Irene Mae Alcobilla sa mga sumusuporta sa kampanya kontra illegal na droga ni President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Irene, huwag na magbalak pang mag-abogado ang mga drug war supporters kung ayaw maniwala sa “rule of law” at “due process”.
“Payo ko sa mga gusto maging ABOGADO pero sumusuporta sa war on drugs, wag niyo na ituloy kasi sayang lang din ang pag-aaral niyo ng batas kung ayaw niyo rin naman maniwala sa “RULE OF LAW” and “DUE PROCESS”. Wag na tayo maglokohan. Iba nalang!” ayon kay Alcobilla
Ibinahagi rin ni Alcobilla ang itinuro ng kanyang professor noon tungkol sa due process.
"Naalala ko pa dati ang turo ng propesor ko sa law (1st year, 2nd sem, 2011, Section 1E, Room 12K) na ang due process nagsimula sa Garden of Eden noong tinawag ng Panginoon sina Adam and Eve after nila kumain ng forbidden fruit.
"Bakit nga daw tinawag pa ni God sina Adam and Eve eh alam naman Niya ang ginawa ng dalawa at kung nasaan sila?
"Yun ang due process.
"Now, tell me? Naniniwala parin ba kayo sa due process na inaral at tinuro niyo?” ani Alcobilla.
May mensahe rin si Alcobilla sa mga taong hinusgahan si Kian Loyd de los Santos.
“STRIKE, BUT HEAR ME FIRST!
"Indi pa nga kayo sigurado kung drug peddler nga si Kian o hindi, tapos pinatay niyo na?
"Paano na niya dedepensahan ang sarili niya eh hinatulan niyo na siya?
"Di ba dapat ang tama pakinggan muna ang depensa niya?
"Yan ang DUE PROCESS of law na sinasabi ng Constitution natin.
“Section 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.”
"Di ba sir, iyon ang turo mo sa amin?
"Indi magbabago ang pananaw ko sa batas, Presidente, Senator o Judge man ako!” ani Alcobilla.

Post a Comment