Tulong ng America sa Pilipinas, 2 unmanned aerial vehicle at air to ground rockets
Nakatakdang magbigay ng dalawang ScanEagle UAVs (unmanned aerial vehicle) at mga air to ground rocket para sa mga FA-50 fighter jets ng Pilipinas ang Estados Unidos, Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sinabi ni Lorenzana na mismong si US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang nagsabi sa kaniya na tutungo ito sa kaniyang opisina kamakailan.
Giit ng kalahim na malaking bagay sa operasyon ng militar ang mga nasabing kagamitan.
https://www.facebook.com/DuterteSaPagbabagoPinoyTelebabadTV/videos/825841717570990/
Sinabi ni Lorenzana na mismong si US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang nagsabi sa kaniya na tutungo ito sa kaniyang opisina kamakailan.
Giit ng kalahim na malaking bagay sa operasyon ng militar ang mga nasabing kagamitan.
Tiniyak naman ni Ambassador Kim na magpapatuloy ang kanilang suporta sa Pilipinas lalo na sa anti-terror campaign nito partikular ang operasyon sa Marawi City laban sa mga Maute kung saan ang mga US personnel na nakadeploy sa Zamboanga City ang tumutulong sa militar.
Ipinakilala rin ni Amb. Kim kay Lorenzana ang bagong commander ng US Special Operations Command Pacific na si M/Gen. Daniel Yoo. Ito kasi ang US command kung saan galing ang mga US soldiers diyan sa Zamboanga. Ang mga US force sa Marawi ay nagbibigay ng tulong sa mga sundalong Pinoy sa pamamagitan ng ISR (Intel, Surveillance, Recon) technology ng kanilang P3 Orions at UAVs.

Post a Comment