Header Ads

Pres. Duterte , iniutos na i-bartolina ang mga nakakulong na sangkot sa drug trade.

Una nang inamin ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang muling pamamayagpag ng bentahan ng iligal na droga sa NBP na siyang dahilan ng mga kasong isinampa laban kay dating DoJ secretary na ngayon ay Sen. Leila de Lima. 


Sinabi ni Pangulong Duterte, batay sa kanyang napag-alaman o sa kanilang tracking, nasa 400 kilo ng shabu ang nakapasok sa NBP at mistulang lumalala ang drugs trade kung saan maging ang Davao Penal Colony ay napasok na rin. Pero sa kabila nito, walang nabanggit si Pangulong Duterte na pagpapaliwanagin si Sec. Aguirre at mga bagong opisyal na nangangasiwa sa seguridad ng NBP. 

Katunayan walang sinisisi ang pangulo sa pagbabalik ng operasyon ng iligal na droga sa Bilibid kundi ang cellphone kung saan umano pinapatakbo ang transaksyon. Nagbiro lamang ang Pangulong Duterte na ipapasakay niya sa barko ang mga inmates at pagdating sa karagatan, saka raw nito bubutasan ang barko para lumubog na sila.

No comments

Powered by Blogger.